in ,

Misis, pinag-aral at tinulungan Mister para makapag-abroad si pero heto ang nakuha nyang kapalit

Isang misis na may dalawang anak hindi napigilang humagulgol habang kinukwento sa programa na “Raffy Tulfo in Action” ang pagtataksil na ginawa ng kaniyang mister na si John Carl Jambaro sa kanilang pamilya matapos niya itong pag-aralin.

Ayon kay Christalyn Jambaro, and misis na nagrereklamo, ibinigay daw lahat ng kaniyang pamilya ang kanilang magagawa upang magbigay tulong sa kaniyang mister na makarating sa Australia para ito ay makapag-aral doon at magkaroon din ng working visa.

Ngunit hindi nila alam na magagawa pa ding magtaksil ng kaniyang mister o sa Australia ito magsisimulang pagtaksilan ang kaniyang asawa na tumulong sa kaniya.

Sinabi din ni Christalyn na nakiusap siya sa kaniyang uncle na ipasok ang kaniyang mister na si John Carl sa restaurant na pagmamay-ari nito sa Australia.

Loading...

 

Ngunit, nang tignan nila ang CCTV ng nasabing restaurant, laking gulat na lamang nila na dito pala nila makikita ang pagtataksil na ginagawa ni John Carl sa likod ni Christalyn.

Makikita sa nasabing CCTV video na mayroong kahalikan na babae si John na sinasasabing kalaguyo ng huli. Makikita din na napaka sweet ng dalawa sa isa’t isa.

 

 

Kwento ni misis, tinawagan naman niya ang kaniyang asawa upang sana sabihin ang nakita nila, ngunit, ayaw na nitong sagutin ang kaniyang tawag. Sa huling text message na ipinadala sa kaniya ni John, sinabi nito na pabayaan na lamang siya.

Ang mas masakit pa dito ay nang nalaman ni Christalyn na nagli-live in na pala ang kaniyang mister at ang babae nito sa Australia.

Loading...

 

Ani Christalyn hindi niya maintindihan kung bakit nagawa siya at ang kaniyang mga anak na lokohin ni Carl. Masakit para kay Christalyn ang nangyari dahil kahit pa man ginawa at ibinigay na niyang lahat sa kaniyang asawa ay pinili pa din nitong pagtaksilan ang kanilang pamilya.

Aniya,

“Wala siyang awa. Mas pinili pa niya yung kabit niya.”

Panoorin sa ibaba ang kabuuang video:

Loading...

Written by AdMiN

Woman Experience Embarrasing Moment After She Tries The Limbo While Wearing A Swim Wear

Ange Locsin Reveals Reason Behind Sudden Weight Gain