in ,

Nikki Gil Now Enjoying A Private Life Away From Showbiz

Singer Nikki Gil, kuntento na sa pagiging isang plain wife and mom sa kanyang beautiful family.


Pagdating sa industriya ng showbiz, ang mga bagay dito ay walang kasiguraduhan at hindi permanente kadalasan. Mayroong mga artista na sa kabila ng kasikatan ay pinipili pa din lisanin ang showbiz.

Marami nang mga sikat at matagumpay na celebriities sa larangan ng showbizness ngunit mas pinipili pa din nila lumagay sa pribadong pamumuhay. Marahil ang iba sakanila ay gusto nang mag retiro at mag pokus sa kanilang mga pamilya.

Isa na rito ay si Nikki Gil na kilala bilang isang magaling na mang-aawit at aktres. Sa kabila ng kanyang pamamayagpag noon, pinili pa din ni Nikki na umalis sa industriya at bumuo ng sariling pamilya.

Ngayon, masaya si Nikki sa kanyang pagiging maybahay sa asawang si BJ Albert at sa kanilang lalaking anak.

Sinigurado naman niya na masaya siya sa kung anong meron siya ngayon at wala siyang pinagsisihan.

Loading...

Sa isang interview kay Nikki, sinabi niyang masaya siya sa buhay niya pero namimiss niya pa din ang mga kaibigan sa industriya at mga taong nakakatrabaho niya noon.

Muling inalok ng proyekto ang aktres at ito naman ay agad niyang tinanggap. Nakalinya sakanya ngayon ang Broadway musical Carousel kasama si Gian Magdangal.

“I’m not missing it much yet (laughs). I’m happy with my quiet life. But I do miss work and the people that I used to work with. Of course I kind of grew up in the industry as well so I spent many years with the staff and my fellow artists. I miss the bond but I think I’ve enjoyed that season enough and I’m just enjoying my season now which is motherhood. I’m an interior design student and now theater,” pahayag ni Nikki sa press launch ng Repertory Philippines’s 2020 show lineup.

Sinabi niya din na hindi niya matanggihan ang proyekto dahil talagang maganda raw ito.

Loading...

Sa kabilang banda, nag-aaral din si Nikki ngayon sa kanyang ikalawang degree. Third year college na siya ngayon sa Philippine School of Interior Design (PSID).

Pagpapatuloy ng aktres, hindi daw niya agad naisip na magiging mahirap na pagsabayin niya ang pag-aaral at pag-aalaga ng kanyang anak ngunit gusto niya talagang matapos ang kinuhang kurso.

“I didn’t realize that it’s going to be a lot of work. Especially after having a baby. It’s not as easy to get a lot of work done but I’m managing (laughs). It might take me longer than what I had intended but I just want to finish. I’ve always liked nice spaces. My mom is an interior design graduate. We’ve always kind of flipped houses, make it nice and then sell. My husband is in the real estate industry so it just kind of made sense to dabble,” pahayag pa niya.”

Nakapagtapos ang kanyang ina ng Interiror Design kaya ganon na lang din ang pagpupursigi niyang sundan ang yapak nito. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa real estate kaya isa talaga itong perfect fit na pwede nilang pagkakitaan.

Dagdag pa nito, kung may babalikan man siya sa kanyang career, ito ay ang teatro.

Sabi nga sa famous line ni Popoy, “kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka may bagong darating na mas okay, na masmamahalin tayo. Yung taong di tayo sasaktan at paaasahin. Yung nagiisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo.

Saktong sakto sa love story ni Nikki Gil. What can you say?

Loading...

Written by AdMiN

12 Year Old Girl Perished Due To Severe Lice Infestation Left Untreated For Years

Woman Experience Embarrasing Moment After She Tries The Limbo While Wearing A Swim Wear