in , ,

Pobreng Basurera Noon, Matapos Makatangap ng Scholarship sa Australia, Ito Na ang Buhay Ngayon

Marami sa atin ang nakakita na ng batang lansangan o yung mga batang namamasura para lang may makain.

Pero sino ba ang mag-aakala na ang batang iyon ay makakatanggap ng full scholarship sa ibang bansa at nakapagtapos bilang isang valedictorian?

Sa panahon ngayon, marami ang naghihirap at walang makain. Kadalasan ay hindi na din nakakapasok sa paaralan kung kaya naman madalas sila napipilitan na mag trabaho at tumulong sa kanilang mga magulang.

May mga pinapalad at may mayroon din hindi. Kaya naman ang malalaking oportunidad ay hindi na dapat pinapalagpas.

Loading...

Isang inspiring story ng isang batang babae na talagang nagpa bilib sa karamihan.

Siya si Sophy Ron, isang batang laki sa hirap. Bata pa lamang siya, kinailangan niya nang mag trabaho para mapilit ang kanyang pag-aaral. Nakatira sila sa tabi ng tambakan ng mga basura.

Dahil sa kanyang tiyaga, nakatanggap siya ng full scholarship sa University of Melbourne sa Australia.

“I didn’t realise it was smelly, I didn’t realise it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home,” aniya.

Loading...

Nagsimula ang lahat sa isang lalaki na lumapit sa kanya at tinanong siya kung gusto ba niyong makapag-aral sa maayos na paaralan.

“He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school,” Sophy shared.

Sa kanyang graduation speech, makikitang matalino talaga si Sophy lalo na sa pagsasalita ng Ingles.

Sa kabila mg kanyang tagumpay, hindi nakalimutan ni Sophy na lumingon sa kanyang pinanggalingan kaya naman nais niyang makasama muna ang kanyang mga kaibigan at pamilya bago siya mag tungo sa Australia.

 


Marami ang humanga at na inspire kay Sophy dahil sa kabila ng hirap, nagawa niyang mag tagumpay.

Loading...

Written by AdMiN

Vice Ganda Shares That He Used To Be Hurt And Offended On People Who Comments That He Looks Like A Horse

Sarah Geronimo Pens A Heart Felt Message For His Father Daddy Delfin On His Birthday