in ,

Netizens, nagulat sa pakikitungo ng driver na ito matapos mabangga ang kanyang sasakyan

Viral ang videong ito ng nangyaring banggaan sa Aurora underpass noong Miyerkules, Setyembre 18. Sa Facebook page na Jessica SOHOT ibinahagi ang naganap na pangyayari matapos sumalpok ng motor sa likod isang kotse.

Bumaba ang driver upang tingnan ang nangyari sa likuran ng sasakyan. Ngunit ang nasorpresa siya dito nang bigla siyang tanungin kung ayos lamang ba ang motoristang nakabangga ng likuran ng kanyang kotse.

Hindi lang ito, nagawa pa niya itong kamayan at saka sumakay na muli sa pabalik ng kanyang kotse na animo’y walang nangyari.

Sa pagkamangha, maririnig ang nasambit ng kumukuha ng video na “ang bait nung driver.” Kadalasan kasi sa ganitong aksidente, may nagaganap pang sisihan, away at singilan sa nagawang pinsala. Kaya naman marami ang humanga sa pinakitang ugali ng driver ng kotse sa pananatiling kalmado nito at pagpapakita pa ng malasakit sa nakabangga sa kanya.

Loading...

Panoorin niyo po ang video:

 

Papunta kami ng bf ko sa Quezon City,. Di ko nakuhanan ng full video ang buong pangyayari ..Malapit sa may Camp Crame fly overnasa likod lang kmi nung nasalpok ng driver ng motor yung likod nung CRV,.,bumaba ung driver tiningnan ung likod ng sasakyan nya,.May gasgas ng konti akala nung motorcycle driver magagalit oh di kaya syempre hihingian para sa damage, yung iba kasi demanding eh pero laking gulat nya habang hinahawakan nya yung tuhod nya nung tinanong pa sya kung OK lang at nakipagkamay pa..Saludo ako sayo Sir. Sana All..💝God bless you Sir..At sa lahat po ng mga riders..Doble ingat nalng po kasi bibihira nalang din po ang mga taong marunong rumespeto at makaintindi sa ganitong sitwasyon.. 🤝💖🙏Mapapanood nyo din po sa You Tube Channel ko Jessica SOHOT pakisubscribe na din po..Thank you..🥰🙏

Posted by Kapus Puso Mo with Jessica Soohot on Wednesday, September 18, 2019

 

Here are the comments of some netizens who were surprised and impressed by this scene:

“Hats down sa my ari ng auto sana oil..”

“Ang bait naman sana ganyan lahat ng driver..”

Loading...

“Saludo sayo sir, d nman sinasadya buti nlang malawak pang unawa n sir na nka kotse”

“Sa mga nagsasabi na may insurance naman. Alam nyo ba na may participation fee ka paring babayaran pag nagpagawa ka. Mabait lang talaga may ari”

 

“Syempre ang bait nya kc wala nman damage sa sasakyan nya at di mo nakita pinunasan lang nya kc sa tingin nya ok nman.”

“Ganyan walang init ng ulo atsaka konti Lang Yung sagi kasi yung iba mayabang nasagi Lang ng konti Kala mo napalaki na ng bangga salute you sir Yung my sasakyan”

“Mgnda ang pgpplaki ng mgulang at tinuruan ng good manner s skul.god bless u sir sana lht gnyn ndi pinapairal ang kybngn”

“Pinabilib kami ng driver. Kaming mga rider ay magbibigay pugay sayo kapatid.”

Umabot na sa mahigit 330,000 ang views ng video na ito at umani ito ng 7,600 na positibong mga reaksyon.

Loading...

Written by AdMiN

Misteryosong larawan ng isang Nanay, usap-usapan dahil sa kakaibang napansin ng mga netizen

Security Firm Boss Left Speechless After CCTV Caught Ghoshtly Figure In A Construction Site