in ,

Pinoy janitor sa Italy, ibinihagi kung bakit napakaraming kaso ng C0VID19 sa kanilang bansa

Sa report ng CNN, mahigit 31,000 na ang infected ng C0VID-19 sa Italy; at mahigit 2,500 na ang bilang ng mga nasawi.

Ang Italy ang may pinakamaraming kaso ng C0VID-19 sa labas ng China, kung saan nagsimula ang virus.

Isang kakabayan natin, si Lester Ramones, 33, na tubong Mababanaba, San Jose, Tarlac ay nagtatrabaho bilang janitor sa Bologna Center Train Station. Nagbahagi siya ng kanyang istorya kung bakit ganoon na lang kadami ang natamaan ng C0VID-19 sa kanyang bansa.

 

 

Hindi health worker si Lester, pero itinuturing siyang bayani sa Bologna, Italy, dahil araw-araw siyang naglilinis at nagdi-disinfect ng mga train upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa ulat mula sa PEP, sinabi niyang nakaramdam siya ng takot nang kumalat ang COVID-19 sa Italy pero may obligasyon siyang dapat tuparin.

Loading...

“Natakot din po ako dahil ang parte na tinamaan po ng COVID-19, ang Milano [Milan].

“Unang ni-lockdown ang Milano dahil sa katigasan ng ulo ng mga Italyano.”

 

 

Dagdag pa nya, marami sa mga Italyano ang hindi kaagad sumunod sa batas.

“Ang titigas ho ng ulo, hindi sila naniniwala.”

“Meron na ho na mga kaso ng COVID-19 dito sa Bologna, marami na rin. Umabot na ho ng isandaan.”

 

 

Naglabas din sya ng pangamba sa kasalukuyang nangyayari sa bansang kanyang pinagtratrabahuhan.

“Hindi ho natin alam kung malulutas ang problema sa COVID-19 kasi ang dami talagang matitigas ang ulo. Maraming namamasyal.”

“Ang tigas ho ng ulo ng mga matatanda dito, kaya may multa na at makukulong ng tatlong buwan ang mga hindi sumusunod sa batas.

“Marami na ho akong nakita na hinuli sa mismong train station sa Bologna.”

 

 

Naniniwala si Lester na may mga COVID-19-infected persons na pasahero ng Bologna train, kaya todo ang pag-iingat niya.

“Bale ngayon, wala nang masyadong mga tao dahil sa lockdown.”

“Ang proteksiyon namin, gumagamit kami ng gloves, may face mask na araw-araw na ibinibigay ng boss namin.”

“Hindi naman ho mahirap ang trabaho ko, ngayon lang dahil sina-sanitize namin ang lahat ng mga hawakan ng tao. Nag-spray kami ng mga disinfectant.”

“Para sa akin, ngayong walang mga tao o pasahero, mas safe kami.”

“Pero hindi namin alam ang mangyayari kapag nagbalikan ang maraming tao dahil magbubukas ang train station sa April 3.”

 

 

Bukod sa pagtatrabaho sa Bologna Center Train station, may mga part-time job si Lester. Pero nahinto ito dahil sa COVID-19.

Loading...

Sa kasalukuyan, hindi tiyak ni Lester ang mga susunod na mangyayari.

Pero umaasa siyang matatapos na ang malaking problema sa COVID-19 para matuloy ang planong pagbabakasyon sa Pilipinas sa May 2020, dahil ayaw niyang masayang ang sale plane ticket na kanyang binili.

 

 

Labing-isang taon nang naninirahan si Lester sa Bologna. Matagal siyang nagtrabaho bilang service crew ng McDonald’s bago pumasok na janitor sa Bologna Train Station.

Sa ngayon, dalawang taon na siya sa nagtratrabaho bilang janitor sa nasabing istasyon ng tren.

 

SOURCE:

Loading...

Written by AdMiN

Frankie Pangilinan Airs Her Thoughts On Using Armed Force In Implementing Community Quarantine

Before Biancake, This Actress Have Been Linked To Alden Richards