in ,

Man From Metro Shows Signs Of C0VID-19 Upon Arrival At Lucena Via Bus

Isang lalaking pasahero ng bus mula Metro Manila ang nakitaan ng sintomas ng C0VID-19 pagdating nito sa Lucena kagabi, March 14.

Itinuturing na siya ngayong Person Under Investigation (PUI), termino para sa mga taong pinaghihinalaang may dalang C0VID-19.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, March 15, ang nasabing lalaki raw ay edad 44. Isa siyang residente ng Lucena, at sumakay ng Jam Liner bus.

 

 

Ang nasabing bus ay mula sa terminal nito sa Taft Avenue, Manila. Dumating sa Lucena City Grand  Terminal ang nasabing bus alas-10 ng gabi.

Ayon pa raw sa mga health personnel, may lagnat na raw ang nasabing lalaki noong umalis ito ng Metro Manila. Ubo rin daw ito nang ubo sa kahabaan ng biyahe.

Loading...

Tinawagan daw nito ang kanyang kapatid sa Lucena upang sunduin siya sa terminal.

 

 

Sinabi naman ng kanyang kapatid sa health authorities na naka-assign sa terminal na may darating na isang pasaherong may karamdaman mula Maynila.

Inantabayanan ng mga ito ang pagdating ng bus lulan ang nasabing pasahero.

Nagsuot ang health personnel ng kanilang personal protective equipment (PPE) noong dumating na ang bus.

Loading...

Kaagad nilang kinuhanan ng body temperature ang lahat ng pasahero pati na ang lalaking may karamdaman.

 

 

Pinasulat din sa mga co-passengers ng lalaking may sitomas ang kanilang mga pangalan, address, at contact numbers at pinakiusapan na sumailalim sa mandatory home quarantine.

Kabilang na ang mga pasaherong ito sa grupong Persons Under Monitoring (PUM).

Ayon pa sa health authorities sa Lucena terminal, nagtatrabaho daw ang nasabing lalaking nagpapakita ng sintomas sa Makati kung saan ang amo diumano nito ay positibo sa C0VID-19

 

 

Bineberipika pa ang nasabing impormasyon ng mga awtoridad.

Samantala, naka-community quarantine ngayon ang buong Metro Manila dahil sa banta ng corona virus disease-2019 o C0VID-19.

 

 

Pasahero na galing Metro Manila nakitaan ng sintomas ng C0VID pagdating sa Lucena, Quezon

Ano ang masasabi nyo dito?

Loading...

Written by AdMiN

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez Ties The Knot In Midst Of COVID19 Outbreak

ANGELINE QUINTO HAVE A FIERCE RESPONSE TO A NETIZEN WHO TOLD HER NOT TO BE CHOOSY