in

Anne Curtis, Napikon dahil sa ginawa ni Vice Ganda sa kanya!

Ang mga totoong magkakaibigan ay laging nandiyaan, nagdadamayan trough good times or bad times.

Syempre hind mawawala ang asaran, harutan, pero hindi nagkakapikunan.

At para sa magkaibigang Anne Curtis at Vice Ganda, normal na lang para sa kanila ang asaran at pangbubuska sa isa’t isa..

Lagi nila tayong pinapatawa sa kanilang noontime show na It’s Showtime, pero paano nga ba sila sa likod ng camera?

Loading...

Isang video ang mabilis na kumalat ngayon online dahil sa kakulitan nila Vice Ganda at Anne Curtis. Kuha ang nasabing video sa shooting ng kanilang upcoming movie na entry nila sa Metro Manila Film Festival na may titulong “The Mall, The Merrier”. Bida sa nasabing pelikula ang dalawang Its Showtime hosts na ito.

Bagamat pagod at stress sila sa kanilang trabaho at iba pang bagay, ang pang aasar at pangiinis sa bawat isa ang naging libangan nila.

Sa nasabing video makikita na abala si Anne sa paggamit ng kanyang cellphone habang si Vice naman ay abala sa pagkuha sa kanya ng video.

Sa una ay hindi ito pinapansin ng aktres hanggang sa nainis na ito at pilit pinapatigil ang pagtutok ni Vice ng camera sa kanya.

Loading...

Maririnig din na sinabi ni Anne na “Stop it, stop it.. isusumbong kita kay Erwan.

Si Erwan ay ang asawa ni Anne at ikinasal sila noong November 2017.

Nakakuha naman ng tiyempo itong si Anne ng si Vice naman ang abala sa kanyang cellphone, kinuhanan din niya ng video ang Unkabogable Star at itinutok sa mismong mukha nito.

Wala namang pakialam itong si Vice sa paghihigantying ginawa ni Anne, bagkus tinawan niya lang ito.

Sa videong ito, masasabi mo talagang super at ease sila sa isa’t isa at balewala na lang mga pangiinis na ito, para na daw magkakapatid ang turingan ng mga ito, isama pa ang ibang It’s Showtime hosts na sila Vhong navarro, Jhong Hilario, Billy Crawford, Jugs at Teddy at iba pa.

Sa It’s Showtime naman, nagiging paboritong eksena na ang kulitan ng mga host, na kadalasan ay asaran, at kung minsan ay pisikalan pa, lalo na kina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Si Anne Curtis din ang madalas na sentro ng asaran nila, lalo na kapag pinaglalaruan ng mga ito ang ‘bunganga’ ng aktres, na sabi nga nila ay malaki.

Napakasarap sa pakiramdam na mayroon tayong maituturing na tunay na mga kaibigan, lalo na kung kasamahan mo sila sa trabaho, siguradong hindi mo na mararamdaman ang pagod mo.

Loading...

Written by ADMIN

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, Nakitang magkasamang manuod ng isang musical, Mga Fans kinilig!

Netizen Praises Pokwang For Malia’s Healthy Eating Habit.