in

Neri Miranda bilang asawa: hindi ako binibigyan ng pera ni Chito pang luho, sariling pera ko ang napupundar ko!

Isa sa pinakamahirap pag-usapan sa anumang relasyon ay pera, kahit na magkakapamilya o magkakaibigan pa ang mga taong involved.

Sa isang pag-aaral na ginawa, pito sa sampung mag-asawa ay nagaaway dahil sa pera. Dumarami ang ganitong pangyayari sa relasyon ng mga mag-asawa sa Pilipinas, katulad ng madalas na ipalabas sa telebisyon at sinehan. Ngunit bakit nga kaya ito nagiging sanhi ng away-mag-asawa? Sapagkat hindi ito maayos na napag-uusapan sa lebel ng pamilya.

Hindi naman kailangan na ang padre de pamilya lang lagi ang dapat sumagot sa gastusin sa kanilang pamilya, kung kaya naman magtulungan ng mag-asawa ay may mas magandang resulta.

Tulad na lang ng asawa ng lead vocalist ng bandang “Parokya Ni Edgar” na si Chito Miranda. Ang actress-turned-businesswoman na si Neri Naig.

Loading...

Masaya at very excited ang dating aktres na si Neri Naig sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang bagong business na Miranda’s Rest House sa Tagaytay.

Hindi lang isang simpleng rest house, ngunit nagdodoble rin bilang events place ang negosyo ni Neri na naglalaman ng apat na two-storey house, swimming pool, jacuzzi, garden, playground, tree house, half-court, picnic area, at iba pa.

Sa Instagram nitong Biyernes, ibinahagi ni Neri na dalawang taon niyang pinaghirapan ang Miranda’s Rest House, at syempre sa tulong na rin ng kanyang asawa.

 

 

Sa isa pang post ni Neri ay pinatunayan niya na kayang kaya rin ng mga tulad niyang ina ang gumawa ng sarili niyang pagkakakitaan. Binigyan niya ng inspirasyon ang mga kababaihan at ang mga ilaw ng tahanan na tulad niya.

Loading...

Hindi napigilang sagutin ni Neri ang kanyang mga basher na nagsabing dahil lamang kay Chito kaya siya nakapagpatayo ng kanyang sariling rest house.

Nilinaw ng aktres na hindi kay Chito ngunit sarili niyang pera ang kanyang ginagastos sa luho man o negosyo.

 

Mensahe ni Neri sa kanyang mga follower, katulad niya ay hindi pa huli para kanino man na abutin at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Ngsimula ang pagpasok ni Neri Naig sa industriya ng showbiz ng siya ay sumali sa “Star Circle Quest” isang reality TV show noon sa ABS-CBN Network kung saan siya ay itnanghal na 6th placer.

Loading...

Written by ADMIN

Ian Veneracion, Ibinunyag Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Panatag Ang Kanyang Asawa Na Hindi Siya Magloloko!

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, Nakitang magkasamang manuod ng isang musical, Mga Fans kinilig!