in

Ian Veneracion, Ibinunyag Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Panatag Ang Kanyang Asawa Na Hindi Siya Magloloko!

Nakikilala ang mga artista sa kanilang iba’t-ibang angking kakisigan at galing sa pag arte. Maraming Pilipino ang may kanya-kanyang idolo na ninanais na mapansin sila sa kahit anong paraan pa man.

Nakatutok ang mga taga-suporta ng bawat artista sa kanilang mga pamumuhay, mapa-pribadon man ito ay talaga namang sinusubaybayan.

Ngunit hindi rin lingid sa ating kaalaman na mayroong mga sikat na rtista na mas pinipili na mamuhay ng simple at makapangasawa ng isang simpleng tao na malayo sa kinamulatan nilang industriya.

Marahil, karamihan sa atin ay kilala ang napakagwapo at matipunong aktor na si Ian Veneracion. Simula nang kanyang pagkabata ay naging laman na si Ian ng telebisyon, ngunit matapos ang pag usbong nito sa karera, tila tumigil muna sa paglabas sa harap ng kamera si Ian. Pero syempre, ilang taon matapos ang kaniyang pananahimik ay nagkaroon siya ng matagumpay na pagbabalik sa telebisyon. Matapos ang kaniyang pagbabalik ay naging kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto.

Loading...

Dati na siyang aktor ng GMA network at sa kasalukuyan ay nasa ilalim na siya ng pamamahala ng ABS-CBN.

Dahil dito, iba’t-ibang mga babae na rin ang kanyang mga nakapareha sa mga programa at pelikula. Karamihan sa kanyang mga nakakapareha ay mga kilalang mga artista at personalidad sa industriya. Pero kahit na ganito lagi ang eksena, ibinahagi ni Ian na minsan ay hindi niya naisip lokohin ang kanyang asawa.

Kasal siya kay Pam Gallardo na isang industrial engineer at sila ay nabiyayaan ng tatlong anak.

Sa halos dalwamput limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, pinagmamalaki ni Ian na hindi ito naging selosa simula pa noon. At kung magselos man daw ito ay hindi nito ipinapakita sa kanya at mas minamahal niya ang misis dahil dito.

Loading...

“Hindi siya selosa ever since. At kung nagseselos man, hindi niya ipakita sa akin. She’s too proud para ipakita sa akin and I love her for that.” Bagamat marami raw talaga ang tukso sa showbiz, sanay na sanay na raw siya sa presensiya ng kababaihan. “So far, okay pa naman ako. Pero of course, I’ve been working on it. E, tao rin naman tayo. So far, okay pa naman…okay pa, still in a good place.” pahayag ng aktor sa isang panayam.

Maliban pa rito, si Pam raw ang pinapahawak niya ng kaniyang pera. May construction business sina Ian at Pam, at si Pam ang nagmamanage nito kung kaya’t mas mainam raw na sa kanya pinahawak ang mga pera para daw mapaikot ito.
“Wala akong budget ng kabit. Saka sa akin, gusto ko she manages my finances. Kasi kung hindi ko iyan paikutin, wala, parang baldeng butas yun. Hindi ako businessman, it’s her business. I’m happy. She’s really good at it.” dagdag pa niya.

Wala daw siyang pagsisi ng pakasalan niya si Pam, sa katunayan, itinuturing niya nga raw na pinaka tamang desisyon ginawa niya sa buhay ang pagpapakasal rito. Bagama’t 22 taong gulang pa lamang siya noon, masayang masaya naman raw siya, ayon sa kanyang panayam.

Talaga namang napakakisig pa rin ni Ian at batang-bata ang itsura sa edad na 44. Si Ian ay may dugong Spanish, mahilig sa iba’t-ibang sports, isang pintor, piloto at mang-aawit.

Loading...

Written by ADMIN

Lalaki sa Cotabato, Nanawagan sa photo studio na ibalik ang kanyang kaliwang “tainga” na nawala sa ID picture!

Neri Miranda bilang asawa: hindi ako binibigyan ng pera ni Chito pang luho, sariling pera ko ang napupundar ko!