in

Liza Soberano tinaguriang number 1 most beautiful woman in the world at tinalo ang Wonder Woman star na si Gal Gadot!

Namayagpag na naman ang ganda ng Pinay na si Liza Soberano matapos na tanghalin itong “Most Beautiful Woman in the World” para sa taong 2019, sa survey na ginawa ng isang entertainment website na “Starmometer”.

Hindi naman maikakaila na si Liza Soberano ang itinuturing na isa sa pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz ngayon. Maliban sa angking husay sa pag-arte, kapansin-pansin ang maamong mukha at kakaibang ganda ng aktres.

Ngunit hindi na lamang sa Pilipinas napapansin ang ganda ng former Darna star, tinalo niya pa ang iba pang sikat na personalidad mula sa ibang bansa.

Ang nasabing survey ay pinagbotohan ng mga netizen sa buong mundo kung saan nanguna nga ang Pinay actress.

Loading...

Mula sa Top 100 noong February, pumili ang nasabing website ng Top 20 kung saan kasama dito sina Lalisa Manoban ng Thailand, Kim Jisoo ng Korea, Liza Soberano ng Philippines, Urassaya Sperbund ng Thailand, Kim Jennie ng Korea, Deepika Padukone ng India, Tzuyu ng Taiwan, Selena Gomez ng USA, Gal Gadot ng Israel, Lily Collins ng Great Britain, Priyanka Chopra ng India, si Miss Universe Catriona Gray, Nancy McDonie ng Korea, Sana Minatozaki ng Japan, Dua Lipa ng Great Britain, Dilraba Dilmurat ng China, H’Hen Nie ng Vietnam, Kendall Jenner ng USA, Margot Robbie ng Australia, at Tamaryn Green ng South Africa.

Mula sa Top 20 semifinalists, ibinaba ito sa sampu kung saan naglaban-laban na lamang ang mga ito sa pamamagitan ng public votes mula sa Facebook, Twitter, Instagram, at Online Poll.

Matapos ang botohan, nanguna dito si Liza sa naipong score na 370,420, dahilan para hirangin siyang “Most Beautiful Woman in the World for 2019.”

Tinalo ni Liza sa pagandahan ang American singer na si Selena Gomez at si “Wonder Woman” Gal Gadot maging ang popular na miyembro ng Blackpink na si Kim Jennie.

Loading...

Ayon sa YouTube video ng Starmometer, isinagawa nila ang survey para malaman kung sino ang pinakamagandang dilag sa buong mundo noong Abril na pinagbotohan naman ng higit 2.4 milyong fans sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

Narito ang Top 10 Most Beautiful Woman in the World ng “Starmometer”:

1. Liza Soberano (Philippines)

2. Lalisa Manoban (Thailand)

3. Urassaya Sperbund (Thailand)

4. Kim Jisoo (South Korea)

5. Kim Jennie (South Korea)

6. Selena Gomez (USA)

7. Deepika Padukone (India)

8. Tzuyu (Taiwan)

9. Gal Gadot (Israel)

10. Lily Collins (Great Britain)

Nasa top 12 naman ang isa pang Pinay na si Catriona Gray na itinanghal namang Miss Universe noong 2018.

Matatandaang si Soberano din ang nanguna sa “100 most beautiful faces” noong taong 2017.

Loading...

Written by ADMIN

Nanay, Ikinuwento ang pag-oonline shopping ng kanyang 5-anyos na anak na wala siyang kaalam-alam, humigit P5K ang nabili!

Kilalanin ang napakagwapong anak ni James Yap sa kanyang Italian partner na si Michella Cazzola!