in

Lalaki sa Cotabato, Nanawagan sa photo studio na ibalik ang kanyang kaliwang “tainga” na nawala sa ID picture!

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, madali na lamang kumuha ng maayos na larawan. Mayroong mga applications at high-end phones with camera na nakakakuha ng magagandang larawan kung saan maaari ding i-edit ang mga ito. Nauso pa nga ang terminong ‘Instagrammable’ para sa mga larawan na puwedeng-puwedeng i-post sa social media.

Ngunit ang pagiging hi-tech din ang naging sanhi ng nakatatawang problema ng isang netizen.

Laking gulat ng isang lalaki sa Cotabato City sa kinalabasan ng hitsura niya sa isang identification picture.

Agaw eksena sa social media ang kakatwang post ni Hassim Elias Aragasi na naghahanap sa kanyang nawalang tenga. Binahagi niya ang kanyang picture na nasobrahan ang pagkaka-edit at nawala tuloy ang kanyang isang tenga. Sa pagkakaalam daw kasi ni Hassim may tenga pa siya nang magpakuha ng larawan ngunit nang ma-print ito, nawala na.

Loading...

“Shoutout po sa isang photo studio dito sa Cotabato, pakibalik po yung TENGA ko. As far as I remember, pagpasok ko po sa studio kompleto pa tenga ko! Ginawa nyo naman akong PWD. Pisti!

(c) Kyeesah Usman Amil ?? PS: Sa kanya po yung kuko, badtrip ako that time. ” pagbabahagi ni Aragasi.

Nagdiwang din ng kaarawan si Aragasi na binati naman ni Amil sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang ID picture na walang tainga.

“Happiest birthday sa beshy kong nawalan ng tainga!” pagbati ni Amil sa kaibigan na sikat na ngayon sa social media dahil sa kakaibang ID picture.

Loading...

Trending ang post ni Aragasi dahil habang isinusulat ang kuwentong ito, umabot na sa mahigit 14 thousand reactions, 388 comments at 14 thousand shares ilang araw pa lamang matapos niyang ibahagi ito.

Naaliw naman ang mga netizens na nakakita ng post dahil sa naisip pa ni Hassim na gawing katatawanan ang sarili niyang litrato.

Narito ang ilang sa makukulit na komento ng mga netizens:

Ngayon naman, may post si Aragasi na mayroon na siyang bagong ID picture at mayroon na itong tainga. Laking tuwa ng binata at agad rin itong nag-trending sa mga netizens.

“Update, as of 5:30 pm, naibalik na po ‘yung tainga ko,” biro ng binata.

Loading...

Written by ADMIN

Kilalanin ang napakagwapong anak ni James Yap sa kanyang Italian partner na si Michella Cazzola!

Ian Veneracion, Ibinunyag Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Panatag Ang Kanyang Asawa Na Hindi Siya Magloloko!