in

Kilalanin ang napakagwapong anak ni James Yap sa kanyang Italian partner na si Michella Cazzola!

Isa sa pinakamaganda at masayang pangyayari sa buhay may asawa ay ang pagkakaroon ng supling na bunga ng pagmamahalan. Lalo na’t makikita ang kombinasyon ng itsura ng mag-asawa sa itsura ng kanilang anak, sisidlan na tuwa ito para sa mga magulang.

Bawat bata ay may kanya kanyang potensyal, katulad na lang ng anak ni James Yap sa kanyang kaparehang si Michela Cazzola. Sa kanyang murang edad ay nagpapakita na ng interes sa sports na larangan ng kanyang ama.

Abala man si James Yap sa kanyang propesyon bilang professional basketball player at isang negosyante, sa kanilang tahanan naman siya ay isang mapagmahal na asawa at ama sa kanyang baby boy na si Michael James.

Ang half-Filipino at half-Italian na si MJ ay masasabing isa ding future heartthrob dahil sa angkin niyang kagwapuhan na mapapnsin kahit siya ay bata pa lang, enjoy na enjoy siya sa mga physical activities outdoors katulad na lang ng atleta niyang ama.

Loading...

Binabahagi ni James ang mga adventures niya kasama si MJ sa kanyang Instagram account.
Sila ay naglalakbay sa magagandang lugar kapag hindi siya abala sa basketball court.

Mukhang si baby MJ din ang mag-mamana ng kasikatan ng kanyang ama dahil sa hilig niya din maglaro ng bola kesa sa ibang laruan. Sa kanilang tahanan gustong gusto niyang maglaro ng bola kasama ang kanilang aso.

Ibinahagi ng kanyang inang si Michela sa Instagram ang kaliksihan ng ank, takbo rito, takbo roon.
“He doesn’t like to sit for a long time!” paglalarawan ng ina.

Si James din ay nagpost ng litrato nilang mag-ama habang sila ay naglalaro.
“Habulan with my Bugoy” #FatherAndSon #bonding #love caption ni James.

Loading...

Noong una ay mahigpit na ipinagbabawal ni Michela na ipakita o i-post sa social media ang buong mukha ng anak nila ni James.

Hanggang pa-side view lang ito dahil mas gusto raw ni Michela na manatiling pribado ang kanilang anak.

Pero ngayon proud na proud na siyang ipakita sa kanilang mga taga-suporta at taga-hanga ang napakagwapo at artistahing si baby MJ.

Check out baby MJ’s adorable photos with his dad and mom:

Si James Yap ay may 12-year-old son sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino na si James `Bimby’ Aquino Yap at may isa pang older son sa isang non-showbiz girl. Tatlo na bale ang anak na lalake ni James at babae naman ang kanyang bunsong anak na si Baby Francesca.

Loading...

Written by ADMIN

Liza Soberano tinaguriang number 1 most beautiful woman in the world at tinalo ang Wonder Woman star na si Gal Gadot!

Lalaki sa Cotabato, Nanawagan sa photo studio na ibalik ang kanyang kaliwang “tainga” na nawala sa ID picture!