in

Nanay, Ikinuwento ang pag-oonline shopping ng kanyang 5-anyos na anak na wala siyang kaalam-alam, humigit P5K ang nabili!

Sa panahon ngayon marami ng paraan upang mapadali ang pamimili ng mga bagay-bagay dahil sa iba’t-ibang mga online shopping applications.

Mapapadali nito ang pagbili ng pagkain, gamit sa bahay, damit, gamit pangsarili, mga gadgets, at kung anu-ano pa.

Sa isang pindot lamang ay mabibili mo na ang iyong ninanais. Hindi na kinakailangan pang lumabas ng bahay at sumuong sa trapik upang bumyahe.

Ngunit ang convenience na sana ay dala ng isang mobile shopping app ay naging problema naman para sa isang nanay na napabayaan ang kanyang cellphone.

Loading...

Nag-viral ang Facebook post ng isang nanay na nakilalang si Cassandra Nichole Alegre.

Inilahad niya ang ginawa ng anak niya nang maiwan niya ang kanyang cellphone. Binuksan raw ng kanyang anak ang shopping app at doon ay ‘di sinasadyang umorder ng ilang produkto na umabot sa higit sa limang libong piso.

Hindi tuloy malaman ng ina ang kanyang mararamdaman nang buksan niya ang isang shopping app at nakita ang pinagpipindot na bilihin ng kanyang anak.

Ang kanyang anak na si Yves, limang taong gulang ay umorder ng tatlong bagay na nagkakahalaga ng 126 pesos isa, at anim na air ultra air cooler na nagkakahalaga ng 750 pesos naman ang isa.

Loading...

Laking gulat pa niya na hindi na pwedeng ikansela ang mga nasabing bagay na inorder ng bata dahil ito ay idedeliver na sa kanilang bahay.

Nakalakip sa post ni Alegre ang mga detalye mula sa shopping application at umabot sa P5228 ang kailangan niyang bayaran.

“At tumigil ang mundo ko nang buksan ang Shopee account ng anak kong 5 years old. Di na pati ma-cancel at OTW na ang para-deliver… Ay talaga, nanggigigil ako,” post ni Alegre sa Facebook na umabot na sa 16,000 reactions, 4,900 comments, at 11,000 shares habang isinusulat ang balitang ito.

Sa comments section, kanya-kanyang tag ang mga netizens sa kanilang mga kaibigan at minamahal na mayroong mga supling na gumagamit ng kanilang cellphone.

May ilan sa mga netizens na tawang-tawa sa karanasang ito ni Alegre, habang ang iba naman ay naranasan na rin pala ang kaparehong pangyayari.

Iba’t-iba talaga ang kanilang naging reaksyon at ito ang ilan sa kanila:

Nagbigay din ng update si Alegre sa kanyang Facebook account. Nakita niyang napakarami pang nasa cart ng kanyang Shopee account na gawa ni Yves. Ilan sa nasa cart ay isang android phone na may halagang 15,000, accessories ng sasakyan, at maging mga action figure. Mabuti na lamang at hindi pa ito tuluyang na-order ng bata.

Tinagurian ng netizen ang anak ni Alegre na si Yves bilang “Shopee kid.” Ipinakita naman ng ina ang larawan ng anak na nagpapasalamat daw dahil trending siya.

Ang post na ito ni Alegre ay naging babala para sa ibang mga magulang, lalo na at ginagawang libangan na rin ng mga bata ngayon ang mga gadgets tulad ng cellphone.

Sa murang edad ng kanyang anak hindi pa naman lubos na nauunawaan ng bata ang kanyang nagawa.

Loading...

Written by ADMIN

Lalaki mamimili ng ukay ukay sinuswerte ng makakuha ng malaking halaga ng pera sa isang gamit!

Liza Soberano tinaguriang number 1 most beautiful woman in the world at tinalo ang Wonder Woman star na si Gal Gadot!