in

Lalaki mamimili ng ukay ukay sinuswerte ng makakuha ng malaking halaga ng pera sa isang gamit!

Kahit saan mang sulok ng mundo, kahit sa mayayamang bansa, makakabili ka ng mga murang damit, ito ay mahahanap mo sa “ukay-ukay”.

Maraming tao ang pinipiling bumili sa ukay ukay kahit pa gamit na ng tunay na may-ari ang mga damit dito, marami pa naman ang maayos at magagandang tignan, yung iba ay mga mukhang bago pa nga, at mabibili lang ito sa murang halaga. Pairalin lang ang pagiging praktikal.

Sikat ang mga tindahan ng ukay-ukay lalo nasa parte ng Asya, kasama na ang Pilipinas at Malaysia.

Maganda naman din kasi ang kinikita ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng mga ukay-ukay shops. Kaya marami din ang pumapasok sa negosyong ito.

Loading...

Kamakailan lang isang lalaki ang tila sinwerte ng pasukin ang negosyong ukay-ukay. Nakuha niya sa murang halaga ang bundle ng mga damit at hindi lang iyon, dahil sa mga damit na kasama sa kanyang mga nabili ay natagpuan niya ang bungkos ng pera, malaking halaga kung susumahin.

Ang nasabing lalaki ay nakilalang si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed, dalawampu’t siyam na taong gulang na nakabase sa Malaysia.

Siya nagpa-plano pa lamang na umpisahan ang negosyong pag-uukay. Magbubukas siya ng kanyang tindahan sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia.

Sa kanyang pagkaka-alam na malaki ang kikitain sa larangan ng pagnenegosyo ng ukay-ukay, napag desisyunan ni Mohamed na magtayo ng tindahan at pumunta sa bodega ng tindahan ng mga damit.

Loading...

Noong Enero 13, dalwang bundle ng ukay-ukay na mga damit ang kanyang pinamili at binayaran niya ng RM 100 ($24 o ?1250).

Nang siya ay makabalik sa kanyang tindahan, inumpisahan na niyang ayusin ang kanyang mga pinamili depende sa klase nito.

Habang nag-aayos ay may nakuha siyang pitaka sa isang short na kasama sa kanyang pinamili. At ang nasabing pitaka ay may laman na malaking halaga na siyang ikinagulat niya.

“I was shocked to see so much cash in it and after counting the money, I took some pictures and uploaded it on Facebook at 9:20pm,” pagbabahagi ni Mohamed.

“I’ve changed 450,000 yen into local currency (approx. RM16,800 or $4,150) and the rest will be kept as a memory. I will use the money to expand my business in the future.” dagdag pa niya.

Makatapos ibahagi ang swerteng nahanap niya sa kanyang Facebook account maraming netizens ang naiinggit at pumuri kay Mohamed.

May ilan pang nagsabi na dapat daw ay hanapin niya ang tunay na may-ari ng malaking halaga at isauli ito. Ngunit sa kasamaang palad wala namang nakuhang detalye si Mohamed sa loob ng pitaka upang matunton sana ang nagmamay-ari nito.

Ang istoryang ito ni Mohamed ay hindi lamang isang inspirasyon upang magpursige sa buhay at suungin ang pagnenegosyo, isa rin itong kwento na gumulat sa marami at nagbukas ng ideya na ang pagnenegosyo ng ukay-ukay ay magandang panimula, at malay mo swertehin ka din katulad niya.

Loading...

Written by ADMIN

‘Wala sa itsura ang pag-iibigan’ Trending sa social media ang lovestory ng mag-asawa ng ito!

Nanay, Ikinuwento ang pag-oonline shopping ng kanyang 5-anyos na anak na wala siyang kaalam-alam, humigit P5K ang nabili!