in

Maymay Etrata, Hinangaan ng mga Netizen Matapos Bilihan ang kanyang Nanay ng Napakagandang Bahay Sa JAPAN!

Iba talaga ang pakiramdam kapag ang mga natatamong biyaya ay naipapamahagi sa mga mahal sa buhay. Lalo na sa isang ina anu mang regalo mula sa kanilang mga, maliit man ito o malaki ay talagang ibang saya ang dulot nito.

Tulad na lang ng pagbabahagi ni Maymay Entrata sa mga biyayang natatanggap niya ngayon sa kanyang ina.

Matapos itanghal na Pinoy Big Brother grand winner noong 2017, unti-unti ng nakilala si Maymay sa industriya ng showbiz dahil sa angkin niyang karakter, gayundin sa international modelling scene.

Siya ang kauna unahang Pinay na napasali at rumampa sa Arab Fashion Week.

Loading...

Ang 22-year-old na aktres ay naging bahagi na ng ilang pelikula at TV shows sa ABS-CBN. Kaya naman isa na siya sa matatawag na pinaka sikat na artista sa kanyang henerasyon.

Isa na rito ang matagumpay na pelikula na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kasabay ng tagumpay ng pelikula, baon din ni Maymay Entrata ang mga natutunan mula sa kanilang direktor na si Cathy Garcia Molina.

Sa naganap na thanksgiving party noong Setyembre 3, pinasalamatan ni Maymay ang mga kasamahang artista, crew at direktor ng kanilang pekikula.

Loading...

At sa tagumpay na inabot ng pelikula, alay din daw ni Maymay ang lahat na ito para sa kanyang ina na isang OFW sa Japan.

Marami na rin ang endorsement ngayon ng batang aktres, kaya naman malaki-laki na rin daw ang naiipon niya.

Ibinahagi ni Maymay ang kanyang mga achievements and investment mula sa kanyang ilang taong pagtatrabaho. Kinuwento niya ito sa isang episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Ayon kay Maymay, nagpapatayo na siya ngayon ng bahay para sa kanyang pamilya sa Camiguin kung saan siya lumaki. Mayroon narin siyang sarili niyang sasakyan.

“Sa Camiguin po [‘yung bahay], patapos pa lang. Blessing na rin po ‘yung sasakyan kasi hindi namin akalain na sa endorsement kasama na po siya don” .
Isa sa pinagmamalaki ni Maymay Entrata na nabili niya galing sa kanyang pinagtrabahuhan ay ang bahay na nabili niya sa Japan para sa kanyang ina na 28 years ng nagtatrabaho bilang OFW.

“Kasi po ‘yung mama ko nong nakita niya ‘yung bahay naiyak siya kasi 28 years na siya don sa Japan tapos nagre-rent pa rin sila kasi ang mahal po kasi ng renta doon so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya tapos masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso.” pahayag ni Maymay

Bukod pa roon, naibahagi narin ni Maymay ang kanyang natatanggap na biyaya sa ibang kamag anak niya, sa katunayan ay naibili na niya ng tricyle ang kanyang pinsan upang ipang hanap buhay.

Sa kanyang murang edad ay masasabi ng nakamit na ni Maymay Entrata ang kanyang mga pinapangarap sa buhay, at ang kanyang mga tinatamasa ay ibinabahagi niya naman sa kanyang mga mahal sa buhay.

Patunay lamang ang istoryang ito ni Maymay na ang pagsisikap, pagsisipag at tiyaga ay may magandang resulta sa darating na tamang panahon.

Loading...

Written by ADMIN

Maja Salvador ibinunyag kung bakit niya binalikan ang kanyang Ex na si Rambo after 9 years.

‘Wala sa itsura ang pag-iibigan’ Trending sa social media ang lovestory ng mag-asawa ng ito!