in

Maja Salvador ibinunyag kung bakit niya binalikan ang kanyang Ex na si Rambo after 9 years.

Maraming kasbihan tungkol sa pag-ibig, mayroong nagsasabi na “Kapag mahal mo ipaglalaban mo”, mayroon din na, “If you love someone set him/her free, if he\she comesback he/she’s yours” pero ang pinaka makatotohanan daw sa lahat ay ang katagang “Love is lovelier the second time around”.

At ang kasabihang ito ay pinatunayan ng Kapamilya Actress na si Maja Salvador at ng kanyang nobyo na si Rambo Nuñez.

Sa panayam ni Maja sa “Tonight With Boy Abunda” ay ibinahagi niya kay Tito Boy ang kanilang nakaraan ni Rambo at kung paano silang muling pinagtagpo ng tadhana.

Loading...

Siyam na taon na ang nakakalipas ng una silang maging magka-relasyon. Bahagi ni Maja 21 taong gulang pa lamang daw siya noon at si Rambo ay kakatapos lang sa pag-aaral.

Dala ng kabataan, may mga bagay daw munang kailangang unahin kaya hindi nagpatuloy ang kanilang relasyon, isinakripisyo muna ni Maja ang kanilang pagiibigan para sa trabaho.

Tatlong buwan lang di umano nagtagal ang kanilang relasyon noon.

Makatapos ang siyam na taon, nagpost si Maja sa kanyang Instagram account ng litrato ng “boquet of flowers” na galing kay Rambo, bilang pasasalamat daw ng huli sa kanya na after 9 years ay siya muli ang kasama ng binatasa araw ng mga puso.

Loading...

Kinuwento ng aktres na agad raw siyang tinawagan ng kanyang ina matapos niyang ipost ang nasabing litrato at sinabi sa kanyang “Si Rambo yun no?’

Alam daw yun ng ina ni Maja dahil noong naghiwalay daw sila noon ng binata ay pumupunta pa rin ito sa kanyang ina upang makiusap, na kung pwede raw ba na makausap siyang muli.

Tinago raw ito ng ina ni Maja sa kanya, at sinabi na lang daw sa binata na “Pag si Maja nagdesisyon na, nakapag-desisyon na talaga yan”, pinaliwanag din ng ina ng aktres sa binata na nang mga panahon na yun prayoridad ni Maja ang kanyang trabaho dahil siya ang “bread winner” ng kanilang pamilya.

Pinayuhan din daw ito ng ina na kung para talaga sila sa isa’t-isa sila talaga at dadating ang panahon para sa kanilang dalawa.

Si Maja ay nagbigay ng panuntunan (rules) sa kanyang sarili na hinding hindi na niya babalikan pa ang mga nakaraan niyang nakarelasyon, pero pagdating kay Rambo ay parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin para sa dalaga.

Pagalala at paliwanag naman ng dalaga, parang kulang ang noo’y tatlong buwan na kanilang pinagsamahan, hinuha din ng aktres na kaya daw siguro hindi rin nag “worked out” ang kaniyang mga nakalipas na relasyon ay dahil mas iba daw yung naramdaman niya sa tatlong buwan na iyon kasama si Rambo kumpara sa ibang mganaka-relasyon niya.

Mahal daw talaga siya ni Rambo at hindi lang ang binata ang nagparamdam ng pagmamahal sa kanya kundi pati ang buong pamilya nito.

Agosto ng nakaraang taon unang nagkaroon muli ng komunikasyon sina Maja at Rambo, at doon na inumpisahan muli ng binatang negosyante ang panunuyo sa aktres.

Pebrero naman ngayong taon ay nanumbalik nang muli ang matamis na pagtitinginan ng dalawa.

Naging tahimik lang ang 30-year old na aktres ng ilang buwan ukol sa muling panunumbalik ng pagmamahalan nila ng kasintahan.

Buwan ng Hulyo ng opisyal ng inihayag ni Maja sa kanyang Youtube Channel at ipinakilala sa kanyang taga-hanga at mga taga-suporta ang kasintahan na si Rambo Nuñez.

Pinatunayan ngang talaga nina Maja at Rambo ang mahiwagang kasabihan na “Love is Lovelier the Second Time Around”. Hangad din ng lahat ang kanilang tunay na kasiyahan.

Loading...

Written by ADMIN

Kris Aquino Nanawagan sa Mga ‘Single-Men’ at Mga Doktor na I-Add Siya Sa Facebook.

Maymay Etrata, Hinangaan ng mga Netizen Matapos Bilihan ang kanyang Nanay ng Napakagandang Bahay Sa JAPAN!