in

Kris Aquino Nanawagan sa Mga ‘Single-Men’ at Mga Doktor na I-Add Siya Sa Facebook.

Si Kris Aquino ay ang tinaguriang “Queen of All Media”. Sa isang simpleng post lang niya sa kaniyang mga social media accounts ay nagiging usap-usapan na agad ng halos 4.4 milyon na taga-subaybay niya sa Instagram at Facebook.

Tulad na lang ng post ni Kris kamakailan sa kanyang Instagram kung saan inimbitahan niya ang mga single man na i-add siya sa bago niyang Facebook account.

Umugong at agad agad itong naging usap-usapan ng mga netizens.

“Wanted perfect boyfriend!” parang ito raw ang nais ipahiwatig ni Kris sa nasabing post niya.

Loading...

“Fyi, i now have a personal FB account, BUT i only have 8 friends- so far… anybody there na gustong i-friend ako privately?” panimula ng aktres.

If you’re male, please be between 41 to 55, single (pwedeng widowed, divorced, legally separated, or annulled), and if you’re a DOCTOR (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist) promise ACCEPT agad ang friend request”.

Partikular na nanawagan ang mommy nina Joshua at Bimby sa mga lalaking single edad 41 to 55.

My 2 sons said okay w/ them ang pilot who has an international route- hehehe. ?? (preview of what’s ahead of you) ????
Thank you @unileverphilippines Lady’s Choice and thanks @empoy for inspiring me to spread #kindness #generosity and #love.”

Loading...

Kris and Empoy's Kitchen Bonding with Lady's Choice Macaroni | Kitchen Love by Kris

“Naparamdam natin sa mahal natin sa buhay na napakaespesyal niya because we made something special for them. Because a celebration is never complete without Lady’s Choice Chicken macaroni.” ~ Kris AquinoIn this special episode of Kitchen Love, Kris Aquino is joined by funny man Empoy to help her make a delicious Lady's Choice Chicken Macaroni for his mom’s birthday.Watch as the two laugh, bond, and get to know each other better in the kitchen and find out what Kris has in mind for a possible future project together.Date of Shoot: July 25, 2019Director: Lee Briones-MeilyDOP: Shayne Sarte

Posted by Kris Aquino on Saturday, September 14, 2019

Nasabi rin niya na aprubado na daw ng kaniyang mga anak ang paghahanap niya di-umano ng mga single men.

Nasubaybayan naman ng lahat ang mga relasyon o buhay pagibig ni Kris Aquino.

Ang kaniyang panganay na si Josh ay bunga ng pagmamahalan nila noon ng aktor na si Philip Salvador ngunit nagtapos din ang kanilang relasyon taong 1999.

Ikinasal siya taong 2005 sa manlalaro ng PBA na si James Yap, makaraan ang dalawang taon nilang pagsasama biniyayaaan sila ng anak at yun nga ay si Bimby na ngayon ay labing dalawang taong gulang na.

Taong 2010 naman ng maghiwalay sina Kris at James, at taong 2012 ay tuluyan ng napawalang bisa ang kanilang kasal.

Hindi man daw naging maganda ang kanilang pagsasama ng dating asawa ay ipinagpapasalamat naman niya ito dahil dumating sa buhay niya ang kanyang bunsong si Bimby.

At simula noon ay wala ng naibalitang naging kasintahan ng aktres. Tinutukan na lang niya ang kanyang dalawang anak at pinagpatuloy ang pagiging isang dakilang ina.

Ang mga nakaraang taon naman sa kaniyang buhay ay hindi din naging madali dahil sa karamdaman na kanyang pinagdaanan ngunit unti-unti din naman niyang nalalampasan.

Naging abala na din si Kris sa pagbabahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay sa kanyang mga taga-hanga sa pamamagitan ng kanyang “Facebook Page” at Youtube Channel.

Napabalita din na balik pelikula na ulit siya ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang “Kampon” kasama ang aktor na si Derek Ramsay, ngunit ito’y naudlot dahil kinulang na raw sa panahon.

Tunay na maituturing si Kris Aquino na isa ding ehemplo para sa sambayanan. May sarili siyang pamamaraan upang maibahagi niya kung anong mayroon siya. Marami pa rin siyang taga-hanga na laging nakasuporta at naka-antabay sa kanyang buhay. At marami rin ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging dakilang ina niya sa kanyang mga anak.

Loading...

Written by ADMIN

Naalala niyo Pa Ba Si Valerie ‘Bangs’ Garcia Ito Na Ang Buhay Niya Ngayon Matapos Mawala Sa Showbiz!

Maja Salvador ibinunyag kung bakit niya binalikan ang kanyang Ex na si Rambo after 9 years.