in

Mula Noon Hanggang Ngayon, Ang sweet Parin ng mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez! Silipin Dito Ang Kanilang Mga Litrato!

Ang pagmamahal ay may kanya-kanyang kahulugan at iba’t-ibang pamamaraan upang ipadama ito. Pagmamahal para sa karelasyon o taong iyong sinisinta, pagmamahal para sa magulang, mga kapatid at maging sa iyong kapwa tao.

Madalas nating marinig na hindi matatag ang mga pagmamahalan o pag-iibigang nabubuo sa showbiz industry. Pagkatapos ng isang proyekto, lalawak ang mundo ng mga aktor at mas marami pang makakatrabaho. Malaki ang tsansang ma-develop sa iba.

Ngunit pinatunayan ni “Star Of The New Decade” Manilyn Reynes at ng kanyang dating ka-love team na si Aljon Jimenez na posible ang #MayForever sa industriya.

Matatandaan na kasabayang sumikat noon ni Manilyn Reynes ang kaniyang on-screen at real life partner na si Aljon Jimenez.

Loading...

 

Maramin kabataan noon ang kinilig sa tuwing may pinagsasamahan silang palabas at pelikula.

Sa Instagram, madalas magbahagi si Manilyn ng mga larawan nila ng kanyang asawa na si Aljon, old photo man ito o latest picture at nilalakipan niya ito ng mga kuwento tungkol sa kanilang dalawa, o ng sweet messages. Marami ang kinikilig sa mga post na ito lalo na ang mga tagahanga ng tambalan nila noon pa. Dream come true para sa kanila ang magkaroon ng happilly ever after ang dalawa sa tunay na buhay.

Sa isa sa mga post, ibinahagi ni Manilyn ang biruan nila na nauwi sa nakakakilig na moment, “One time, nagbibiruan kaming mag-asawa. Sabi ko, ‘Hon, you’re stuck with me. You have no other choice’. Aba, bigla ba namang nag-seryoso at ang sabi, ‘I really have no other choice, because I made the right choice!’ Awwww. Natameme ako.”

Aniya, walang nagbago sa nararamdaman nilang dalawa sa isa’t isa kahit matagal na silang couple.

Loading...

Dito din ibinahagi ni Manilyn na sa kabila ng halos tatlong dekada nilang pagsasamah, hindi pa rin nawawala ang init at alab ng kanilang pagmamahalan

Kinakabahan pa nga raw si Manilyn Reynes sa tuwing mayroong nagbibigay ng magandang salita at pumupuri sa magandang samahan nilang mag-asawa.

Takot daw si Manilyn sa sinasabi ng marami, na maipagmamalaki nila ang kanilang relasyon sa panahong ito sa showbiz na sunud-sunod ang paghihiwalay ng mga sikat na mag-asawa, at humahantong pa minsan sa paglalantad ng kung anu-anong lihim ng isa’t-isa.

Mabilis daw maapektuhan ng lungkot si Manilyn kapag mayroon siyang nababalitaang kakilalang mag-asawa sa showbiz na naghiwalay.

Manilyn Reynes & Aljon

Ang sweet ng mag-asawa!

Posted by Hambogero on Wednesday, September 18, 2019

Kaya nga raw, sa abot ng kanilang makakaya ni Aljon, hindi nila hinahayaang ang maliliit nilang tampuhan at konting problema ay lumaki pa hanggang sa maging malaking isyu sa loob ng kanilang tahanan.

Pag lumingon ka, Akin ka!

Ang bilis makalingon, 22 years na silang kasal. yohooo! Manilyn Reynes & Aljon Jimenez

Posted by Hambogero on Wednesday, September 18, 2019

Twenty two years nang kasal sina Manilyn at Aljon na nagbunga ng tatlong anak na lalaki.

Loading...

Written by ADMIN

Maja Salvador, walang arteng kumain sa karinderya sa Can’t Say No Challenge ni Kakai Bautista!

Naalala niyo Pa Ba Si Valerie ‘Bangs’ Garcia Ito Na Ang Buhay Niya Ngayon Matapos Mawala Sa Showbiz!