in

Silipin Ang Bonggang Bahay Ni Vice Ganda Sa Quezon City Na Bunga Ng Kanyang Pawis At Pagsusumikap Sa Showbiz!

Ang isa sa mga sikat na artista ngayon na laging pinananabikang masilayan ng ‘madlang people’ ay si Jose Marie Borja Viceral, o mas kilala bilang si Vice Ganda. Siya ay isang kilalang mahusya na komedyante, host, fashion icon, at recording artist. Naitampok din siya sa napakaraming mga pelikula, karamihan pa nga dito ay tinaguriang isa sa mga highest-grossing films sa mga lokal na sinehan.

Ang 41 taong gulang na komedyante na dating nagbebenta ng tubig sa paligid ng Tondo ay umangat mula sa kung saan siya nagmula.

Tunay ngang isa na si Vice sa pinakamatagumpay na personalidad sa industriya ngayon. Nakamit na niya ang mga ninanais niya sa buhay noon.

Sa kaniyang angking galing sa pagpapatawa, nagawa niyang sumikat at makuha ang pulso ng “madlang pipol”. Mula nang maging “resident hurado” sa It’s Showtime, nagbukas na ang maraming oportunidad para sa kaniya.

Loading...

Kaya’t hindi n mapigilan ang pag-usbong ng karera ni Vice Ganda, pinasok niya na rin ang pelikula at ang pag-awit.

Katas ng pagod, tiyaga, at kasipagan sa pagtatrabaho ay nakamit din niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Ngayon nga ay mayroon na siyang napakagandang bahay sa Quezon City.

Ang kaniyang tatlong palapag na tahanan ay inabot ng halos walong buwan mahigit bago tuluyang matapos.

Loading...

Ang 380 square meter na sukat ng bahay ni Vice ay idinisenyo ni Avelle Francisco.

Bagamat sariling bahay na niya ito, nasabi naman ng tinaguriang “Unkabogable Star” na surpresa niya rin ito para sa kanyang pinakamamahal na ina na si Ginang Rosario Viceral.

Ang kaniyang tahanan ay inilarawan niya bilang “modern zen with a minimalist appeal” nais niya itong maging matingkad, komportable at organisado.

Punong-puno rin ng mga salamin ang kanyang bahay magmula sa veranda, at isa sa mga highlights nito ay ang hagdanan na gawa sa salamin.

Ang mga kagamitan naman ay pawang mga custom-made at napaka mamahalin. Karamihan dito ay nagmula pa sa ibang bansa.

Jaramihan sa mga kulay na ginamit sa living room area ay muted, na may itim, gray, at puting dominasyon sa espasyo.

Ang sectional sofa mula sa Contemporaneo, ang glass coffee table, at ang area rug ay may malinis na linya na nagdaragdag ng kagandahan at aliwalas sa parte ng bahay na ito.

Isang abstract painting naman mula sa Artasia Gallery, na regalo ni Avelle kay Vice, ang nagdaragdag ng kulay sa puwang na tumutugma sa mga napiling piraso sa living room.

Ang kuwarto ni Vice Ganda ay black-and-white rin tema, kaugnay lang sa tema ng kabuuan ng kaniyang bahay, ngunit nagdagdag si Avelle ng kulay pula upang tumugma sa kanyang pagkatao at pasiglahin ang dating ng silid. Gawa naman ng curtain maker na si Totoy Santiago ang mga padded headboard na pumapares sa modernong platform bed, komportableng white seating piece, at ang mga malambot na carpet.

Ang kanyang umbrella-shaped lampshade naman sa kaniyang kuwarto ay simbolo ng status niya bilang celebrity.

Tunay talagang sa pamamagitan ng sipag at tiyaga ay makakamit natin ang mga mithiin at pinapangarap sa buhay, hindi lang para sa ating mga sarili kundi para na din sa ating mga minamahal.

Katulad na lang ng istoryang ito ni Vice Ganda na sana’y magbigay inspirasyon para sa lahat.

Loading...

Written by ADMIN

Kilalanin ang napaka-gwapong anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia!

Maja Salvador, walang arteng kumain sa karinderya sa Can’t Say No Challenge ni Kakai Bautista!