in

Kilalanin ang napaka-gwapong anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia!

Ang pagkakaroon ng supling ay tunay na masasabing napakagandang biyaya galing sa Maykapal.

Isa ito sa pinakamasayang parte ng buhay lalo na sa pakiramdam ng mga magulang.

Ang mga paborito nating artista ay nakagawian na nating subaybayan, mula sa telebisyon, sa kanilang mga social media accounts at pati na rin ang kanilang mga personal na buhay.

Inaalam natin ang lahat, kasama na rito ang mga kinasasangkutan nilang isyu at mga kontrobersiya. Pati na rin syempre ang kanilang buhay pag-ibig at kung sino ang kanilang mga naging karelasyon.

Loading...

Naka-antabay tayo kung sila na ba ang magkakatuluyan hanggang sa huli at kung bubuo na sila ng kanilang sariling pamilya.

At lalo na kung ano ang magiging itsura ng kanilang magiging mga anak at kung sino sa kanila ang magiging kamukha.

Isa sa mga naging magkarelasyon na sinubaybayan sa mundo ng showbiz ay ang dating magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Si Patrick Garcia ay sumikat noong 90’s dahil sa kanyang angking kakisigan at galing sa pag arte sa pagganap sa mga iba’t-ibang karakter niya sa pelikula at telebisyon.

Loading...

Samantalang si Jennylyn Mercado naman ay produkto ng artista talent search ng GMA Network na “StarStruck”. Siya ang tinaguriang Female Ultimate Survivor o tinanghal na panalo sa season 1 ng nasabing programa.

Taong 2007 nagsimula ang relasyon nina Patrick at Jennylyn at nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Taong 2008 ng isilang ni Jennylyn ang kanilang anak na si Alex Jazz.

Labingisang taong gulang na ngayon si Alex Jazz at sa kanyang murang edad ay marami na ang nakakapansin sa angkin niyang kagwapuhan, hindi naman ito nakakapagtaka dahil nagmula naman siya sa magandang lahi.

Napansin din ng mga netizens na sa karisma ng anak ni Jennilyn at Patrick ay hindi malabong maging isa rin itong sikat na artista tulad ng kaniyang mga magulang.

Bagamat hiwalay na sila Jennilyn at Patrick, hindi naman ito ginawang rason ng aktres upang hindi maging mabuti at responsableng ina para sa kanyang anak.

Malamang sa mga darating na panahon ay isa na din si Alex Jazz sa mga iidolohin at susubaybayang artista ng kanyang henerasyon. Yun ay kung sakaling pumayag ang kaniyang mga magulang na pasukin din niya ang industriya ng showbiz.

Loading...

Written by ADMIN

Kilalanin Ang Napakagwapong Apo ng Sikat na Host at Komedyante na si Willie Revillame!

Silipin Ang Bonggang Bahay Ni Vice Ganda Sa Quezon City Na Bunga Ng Kanyang Pawis At Pagsusumikap Sa Showbiz!