in

Kilalanin Ang Napakagwapong Apo ng Sikat na Host at Komedyante na si Willie Revillame!

Si Willie Revillame ay talaga namang isa sa mga showbiz personalities na nag-umpisa sa payak na pamumuhay hanggang sa makapasok sa mundo ng show business kaya naman maraming kababayan natin ang napamahal na sa kaniya lalo noong magsimula siyang maging host ng isang Gameshow kung saan maraming tao ang kaniyang natulungan na makaahon sa hirap ng buhay.

Bagamat napakarami na niyang negosyo at mga ari-arian sa ngayon ay hindi na lingid sa ating kaalaman na nagsimula rin siya sa kahirapan. Minsan na siyang nagtrabaho bilang isang dating “barker” ng dyip at “newspaper boy”. Siay ay tumugtog din dati ng drums kasama ang ilang mga banda at sikat na mang-aawit.

Marami rin ang nagsasabi kung gaano kayaman ang host at aktor kaya naman ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang magtanong kung mayroon bang magmamana ng mga kayamanang ito gayong wala siyang karelasyon sa kasalukuyan.

Alam naman ng nakararami na may anak si Revillame sa kapatid ng aktres na si Maricel Soriano na si Bec-bec Soriano ito ay Si Meryll.

Loading...

Sa ngayon, ay hindi na masyadong aktibo si Meryll sa paggawa ng pelikula at iba pang aktibidades sa showbiz.

Mas ginugugol ngayon ng aktres ang kanyang oras sa pagaalaga sa kanyang anak sa dating asawang si Bernard Palanca na si Elijah Palanca.

Marami ang nakapansin sa angking kagwapuhan ng anak ni Meryll Soriano at apo ng Wowowin host na si Willie Revillame. Napaka-gwapo ni Elijah at marami ang nagsasabi na pwede itong mag-showbiz kung gugustuhin nito.

Tutal naman daw ay nasa dugo nila ang pag-aartisa dahil sa kanyang mga magulang, at sympre nariyan din si Willie na siguradong handang sumuporta kung saka-sakaling naisin nga ng bata na pumasok sa mundo ng showbiz.

Loading...

Ngunit mukhang hindi pagiging artista ang nais pasuking career ni Elijah dahil sa murang edad ay ipinamamalas na nito ang galing sa pagsusulat ng mga story script na maaring magamit sa mga pelikula. Suportado naman ni Meryll ang anak sa kahit na anong naising gawin nito sa kaniyang paglaki at bilang respeto naman ni Elijah sa kaniyang ina ay proud na proud niyang ipinapakita sa social media kung gaano niya ito kamahal.

Napangasawa noon ni Meryll ang ama ni Elijah na si Bernard Palanca ngunit makalipas ang anim na buwan ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan at parehong nagdesisyon na maghiwalay at tapusin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ganoon man ang nangyari ay nagawa paring maipadama ni Meryll kasama ng kaniyang pamilya at ni Willie Revillame ang pagmamahal at kalinga na kailangan ni Elijah habang siya ay lumalaki.

Loading...

Written by ADMIN

Angel Locsin, Inamin ang totoong dahilan kung bakit hindi nakadalo sa Star Magic Ball!

Kilalanin ang napaka-gwapong anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia!