in

Angel Locsin, Inamin ang totoong dahilan kung bakit hindi nakadalo sa Star Magic Ball!

Matagumpay na naidaos muli ang pinakamalaking event ng Kapamilya Network noong Sabado Setyembre 14.

Inaasahan na ang pagte-trending ng ABS-CBN Ball na ginanap sa BGC Shangri-La.

Kaabang-abang kung ano ang mga suot ng mga paborito nating Kapamilya Stars. At syempre kung sino ang kapareha ng bawat isa.

Tulad na lang ng mga nakaraang taon dumating pa ring magkasama ang mga sikat na love team tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) James Reid at Nadine Lustre (JaDine).

Loading...

Bukod sa rampahan ng mga nagagandahang Kapamilya stars, pagkakataon na rin iyun ng mga fashion designers na magpakitang-gilas ng kani-kanilang creations.

Filipiniana ang motif, at karamihan ay hindi traditional na Filipiniana outfit ang ginawa. Karamihan ay parang ni-restyle na nila para bagong-bago ang dating.

Na-modify ng ibang designers ang suot ng ibang stars, pero lumalabas pa rin ang pagka-Pinoy.

Kagaya ng kakaibang version ng terno ni Anne Curtis na gawa ni Mich Dulce, ang barong Filipiniana gown ni Liza Soberano,at marami pang iba.

Loading...

Marami talagang kapansin-pansin sa event na ito, at isa nga sa napansin ng nakararami ay ang hindi pagdalo ng The General’s Daughter star na si Angel Locsin ng gabing iyon.

Ipinaliwanag naman ito ng Angel sa kanyang Instagram post.

“I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves,”

“As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.”

Ang beneficiary nitong ABS-CBN Ball 2019 ay ang Bantay Bata 163.

Lahat daw nang dumalo ay may pledge para sa naturang foundation, pero si Angel Locsin ay hindi na nag-effort na magpagawa ng damit, at mag-ayos.

Hindi na lang siya dumalo, kundi ibinigay na lang ang donasyon niya diretso sa Bantay Bata.

Loading...

Written by ADMIN

Student’s Unbelievable Headdress For Sarimanok Costume During Buwan Ng Wika Goes Viral

Kilalanin Ang Napakagwapong Apo ng Sikat na Host at Komedyante na si Willie Revillame!